Ikinasa sa Regional Development Council CALABARZON Meeting
Pinangunahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas, bilang Chairperson ng Regional Development Council (RDC) ng Region IV-A, ang talakayan patungkol sa Investment Promotion sa buong CALABARZON sa RDC Executive Committee meeting noong ika-17 ng Enero 2018 sa Paseo Premiere Hotel, Sta. Rosa Business Park, Sta. Rosa City, Laguna.
Kabilang sa mga dumalo sa naturang pagtitipon sina Director Luis Banua ng National Economic and Development Authority (NEDA), mga kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI) Regional Office, Investment Planning Group (IPG), State Universities and Colleges
(SUCs), Batangas State University (BatSU), Laguna State Polytechnic University (LSPU), University of Rizal System (RSU) at Southern Luzon State University (SLPU).
(SUCs), Batangas State University (BatSU), Laguna State Polytechnic University (LSPU), University of Rizal System (RSU) at Southern Luzon State University (SLPU).
Sa paglalayong mas makapanghikayat pa ng mga namumuhunan, magsasaayos ang grupo ng isang website kung saan maipapakita ang isang “walk through” na mapapanuod sa isang 3D virtual platform ang mga showcase o highlight ng pamamasyal sa buong CALABARZON. Sa pamamagitan
nito, makakakuha agad ng isang magandang initial overview ang mga investors.
nito, makakakuha agad ng isang magandang initial overview ang mga investors.
Katuwang si RDC Vice Chairperson Luis Banua ng NEDA, inaasahang din na mas mapapalawig pa ang mga sources of income ng CALABARZON sa darating na mga panahon lalo’t higit ang Lalawigan ng Batangas. Jhay Jhay B. Pascua – PIO Capitol Batangas