Nagbigay ng libreng operasyon sa mga may cleft lip at cleft palate
BATANGAS CITY– Para sa mga mahihirap na may cleft lip(bingot), cleft palate (ngongo) at iba pang facial deformities sa ibat-ibang bahagi ng mundo, ang Operation Smile na nagkakaloob sa kanila ng libreng operasyon ay isang biyayang hulog ng langit na nagbibigay ng ngiti sa kanilang mga labi.
Hangad ng surgical mission na ito na mabigyan ng pagkakataon na mabago ang buhay at magkaroon ng normal na pamumuhay ang mga taong may ganitong kondisyon.
“Since 1982, Operation Smile has conducted medical programs in 73 cities across the Philippines. Operation Smile’s global volunteer network includes more than 220 medical professionals and non-medical volunteers who donate their time in the Philippines and around the world. Over the last 33 years, Operation Smile has provided free reconstructive surgery to more than 26,400 patients and dental care to more than 5,100 patients in the Philippines to patients with cleft lip, cleft palate and other facial deformities.”
Ang screening para sa mga beneficiaries sa lungsod ay ginanap sa Jesus of Nazareth Hospital noong May 3 habang ang operasyon naman ay isinagawa noong May 4-6. Ayon kay Isiah Cembrano, Program Coordinator ng Operation Smile, may apat na volunteer plastic surgeons mula sa Maynila ang nagsagawa ng operasyon sa may 68 beneficiaries. Bukod sa libreng operasyon, binigyan din sila ng libreng gamot at post operation check- up habang tinuruan naman ang mga magulang ng proper feeding techniques.
Ang libreng operasyon ay sa pakikipagtulungan sa Batangas Rifle and Pistol Group (BRPG) na pinamumunuan ni Mr. Leonilo Macatangay. Taun-taon aniya ay nagsasagawa sila ng community service at sa kanyang termino, ang naturang proyekto ang napili niya sapagkat malaking halaga ang matitipid ng mga pasyente dito. Ang isang opearsyon ang nagkakahalaga ng P 100-P150,000
Kaya’t lubos ang pasasalamat nila sa pamahalaang lungsod ng Batangas sa pmamagitan ni Mayor Beverley Dimacuha sa suportang ipinagkaloob nito upang maging matagumpay ang kauna-unahang Operation Smile sa Batangas City.
Ayon kay Dr Laurence Loh, isang plastic surgeon na dalubhasa sa reconstructive surgery at dating Medical Director ng Operation Smile Philippines, may ilang libong beses na siyang nakapagsagawa ng operasyon at napaka-fulfilling na makatulong sa mga nangangailangan. “It is really life changing”, sabi ni Loh.
Idinagdag pa niya na ang Pilipinas ang may highest incident ng cleft lip at cleft palate sa mundo at ito ay karaniwang matatagpuan sa mga mahihirap dahil sa poor nutrition at genetics. One in every 500 live births o 2.3% ng birth rate o 4,000 new kids per year ang may cleft lip o cleft palate, ayon pa rin kay Loh .
Ayon naman sa tala, kada tatlong minuto ay may ipinanganganak na ganitong kondisyon na itinuturing na isa sa top 2 congenital problems kung saan ang nangunguna ay club foot.
Ayon kay Shiela Untalan, residente ng Mahacot Silangan at ina ng tatlong taong gulang na batang may cleft palate na si Jacob, matagal na siyang naghihintay ng ganitong proyekto kaya naman sobrang thankful aniya siya na isa ang kanyang anak sa naging beneficiary ng libreng operasyon.
Naging emosyonal naman ang 18 taong gulang na 3rd year BSU Architecture student at residente ng barangay Sta Rita na si Robby Macalalad dahil nagkaroon na ng katuparan ang matagal na niyang minimithi.
“Matagal na akong nagsesearch sa internet tungkol sa Operation Smile pero laging sa malalayong lugar sila nagsasagawa nito kaya naman nung nalaman ko na magkakaroon sila dito sa Batangas City, agad akong nagpalista, ani Robby”.
At ngayon ko naramdaman na handa na akong sumailalim sa operasyon. Dumating ako sa punto na ang tingin ko sa buhay ay “unfair” at hirap na hirap na ako dahil sa pambubully ng iba na nagtulak sa akin upang lumipat ng eskwelahan, dagdag pa niya.
Sinabi pa ni Robby na sobrang saya ko na mababago na ang buhay ko dahil sa Operation Smile.
Ang tanggapan ng City Social Welfare and Development ang nangasiwa sa isinagawang screening habang ang City Health Office naman ang nangasiwa sa pamamahagi ng gamot.
(Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City) Photos by Jerson Sanchez and Jeffrey Maranan