Sublian Festival sa Batangas

Katutubong sayaw na subli nananatiling buhay sa mga Batangueño

Friday, 26 July 2019 – 3:53:42 PM   BATANGAS CITY-Hindi lumalamig ang pagsali ng mga taga probnsiya ng Batangas sa Sublian competition ng Batangas City sapagkat walang humpay ang pagpapayabong nito upang manatiling buhay bilang isang cultural heritage.
Sa kumpetisyon ngayon, may apat na grupo ang lumahok sa elementary level, sampu sa junior/senior high school at college level at siyam sa community level kung saan sinayaw nila ang tatlong bersyon ng sublian kagaya ng sa Talumpok, Agoncillo at Sinala, Bauan.
Ayon kay Elena Mirano, chairman of the board of judges, pinupuri niya ang mga organizers ng Sublian Festival dahilan sa ipinakita nila na mapapanatili nilang buhay ang subli bilang isang katutubong sayaw ng mga Batangueño. “Ang mga kaugaliang sinauna na labis nating isinusulong sa susunod na henerasyon habang sinasayaw, kinakanta, dinadasal ay nabubuhay muli ang mga kultura ng mga ancestors na gustong madala sa kasalukuyan.” Humahanga din siya sa mga trainors at mananayaw dahil nagampanan nila ang sayaw ng “precise ang mga steps at formation”.
Nahirapan aniya sila sa pagpili ng mga mananalo. Isang factor na kanilang pinag basehan ay ang internalization kung saan nakita ng mga hurado sa mga mananayaw na naisapuso nila ang diwa ng mga katangian at kaugalian ng mga Batagueno sa kung paano igalaw ang sayaw na subli.
Ang mga nanalo ay ang mga sumusunod: sa elementary level 1st ang Saint Bridget College Elementary School, 2nd ang Bagong Silang Elementary School at 3rd Saint Bridget College, Alitagtag Siklab Pangkat Mamamayan; para sa junior/senior high school and collegiate level 1st ang Marian Learning Center & Science High School, 2nd Sta Teresa College Indayog at 3rd ang BatStateU Diwayanis Dance Theatre; sa community level 1st ang STC Community, 2nd ang Diwayanis Dance Theatre Alumni at 3rd ang Saint Bridget College na tumanggap ng cash prizes na 30,000, 20,000 at 15,000 para sa una, pangalawa at pangatlo nanalo. Binigyan ng tig 5000 ang mga hindi nanalo.
Samantala, kasunod ng patimpalak na ito ang paghahatid ng imahe ng Mahal na Patron ng Sto, Nino at Mahal na Poong Sta. Cruz mula sa Sports Coliseum pabalik sa Basilica of the Immaculate Conception kung saan sinalubong ito ng fireworks display. (PIO Batangas City)

A chance to discover Batangas city

Nakahanda na ang mga gawain sa pagdiriwang ng 48th Batangas City Foundation Day sa July 23 sa ilalim ng pamamahala ng Cultural Affairs Committee. Ang tema sa taong ito ay “Sublian Festival: A Chance to Discover Batangas City”.

Muling   itatampok ang Sublian Float Parade na may tema namang “ Ipagdiwang Lungsod ng Batangas” bilang bahagi ng Sublian Festival.

Sa araw ding ito ipapakilala sa publiko si Ms Batangas City Foundation Day 2017 na si Bb. Sam Kyrin Suarez pagkatapos ng Panalanging Pampagkakaisa at Pangkapayapaan at Misa Pasasalamat sa Batangas City Convention Center.

Una rito, ay ang Pagpupugay sa Watawat at Pag-aalay ng Bulaklak sa Plaza Mabini na pangungunahan ni Mayor Beverley Dimacuha kasama si Ms Batangas City Foundation Day 2017.

Sa hapon naman ang Patimpalak Sublian sa Batangas City Sports Center at ang paghahatid sa mga Mahal na Poong Sto Nino at Sta Cruz pabalik sa Basilica.

Sa July 22 isasagawa ang Sinsay na sa Batangan na may temang “Isayaw, Isigaw Lungsod Kong Mahal”.

Tampok dito ang Streetdancing at Cheer dancing Competition na gaganapin sa harap ng Gusaling Pangkapayapaan at Kalikasan sa temang “Isayaw, Isigaw Pagmamahal sa Batangan”.

Sa araw ding ito ang Pagbubukas ng Haying Batangan na patimpalak sa pasarapan sa Kalderetang Batangan, Bulanglang, Katutubong Minatamis at Creative Pakaskas Concoction na idaraos sa Amphitheater ng Plaza Mabini.

Sa July 21 naman ang Araw ng mga Kawani ng Pamahalaang Lungsod.

Isasagawa ang Patimpalak Parangal kay Apolinario Mabini sa Batangas City Convention Center sa July 20.

Sa ika-15 ng Hulyo ay ang Trabaho para sa Batangenyo sa Batangas City Sports Coliseum sa ganap na alas otso ng umaga.

Magtatagisan ng galing ang mga kabataan sa Paligsahan sa Makakalikasang Sayaw sa Batangas City Convention Center sa July 14 gayundin ang Maka-Kalikasang Sabayang Pagbigkas.

Sa July 13 ang Pista ng Kalikasan kung saan ibat-ibang gawain ang inihanda ng City Environment Office. Ito ay ang Sama samang Pagkilos, Linis Batangas, Luntiang Lungsod kung saan magtutulong tulong ang lahat sa paglilinis ng lansangan, paaralan, gusaling pangkalakalan at mga pagawaan.

Sa araw ding ito itinakda ang LEDS Eco-Camp: Low Emission Development Strategies for Elementary pupils sa Batangas City South Elemntary School.

Magdadaos ng Harana sa Pastor Ancestral House para kay Ms Foundation Day 2017 sa ika-9 ng Hulyo.

Sa July 8 isasagawa ang Papuon ng Lungsod ng Batangas City Sports Coliseum na kinabibilangan ng Salubong sa mga Mahal na Patron, Te Deum Rosario Cantada, Lua at Dalit at Papuri sa Diyos. (Ronna E. Contreras, PIO Batangas City)

 

the noblest motive is the greatest good for the greatest number