ALS students

          sumailalim sa drug awareness orientation

 
BATANGAS CITY– May 30 estudyante ng Alternative Learning System(ALS) sa Julian A. Pastor Memorial Elementary School ang lumahok sa Drug Abuse Resistance Education(DARE) na magkasamang isinagawa ng Department Education at Batangas City Police.
Ayon kay PO3 Daisy A. Ocampo, DARE officer at lecturer, naging adbokasiya at obligasyon na niya na tulungang iligtas ang mga kabataan sa ipinagbabawal na gamot.

Sinabi naman ni PSI Glenda Cleofe, Police Community Relations, na sa “pamamagitan ng DARE, lalaking maayos, malusog, at responsableng mga mamamayaan ang mga kabataang Filipino. Ito ang tamang panahon upang gumawa ng aksyon para masawata ang droga sa lungsod,”dagdag pa niya.
Ilan sa tinalakay sa DARE ang Oplan Taphang Anti illegal Drug Campaign, Double Barrel Reloaded , ang malaking papel ng mga kabataan bilang katuwang ng kapulisan sa pagsugpo ng ipinagbabawal na gamot, ang epekto ng droga sa isang tao, paano maiiwasan ang paggamit nito, mga kaparusahan at maaring kahantungan ng taong gumagamit ng drugs.

the noblest motive is the greatest good for the greatest number