Tulong Dunong Project

 

Tulong Dunong scholarships mula kay Congressman Mariño

( Palakat)  Humigit kumulang sa 300 mag-aaral ng Batangas State University (BSU) ang dumalo sa isinagawang orientation ng “Tulong Dunong” project ni Congressman Marvey Marino sa Batangas City Sports Center.

Layunin ng proyektong ito na makapagkaloob ng scholarship sa mga mahihirap subalit kwalipikadong college students.

Naglaan si Marino ng P 8 million na diretsong ibibigay sa BSU para sa may 606 scholars dito at P 5 milyon naman ang pondong ibibigay sa CHED para sa 416 na mag-aaral ng ibat-ibang paaralan.

Sinabi naman ni Dr Jennifer Manalo, Assistant Director for Scholarship & Financial Assistance, BSU, malaking tulong para sa mga magulang at malaking oportunidad naman para sa mga mag-aaral ang naturang proyekto sapagkat hindi lahat aniya ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon.

“Iniimplement na namin sa BSU ang free tuition, nag-aaverage ang tuition dito ng P 6,000 kayat kung sila ay Tulong Dunong beneficiaries, wala na silang babayaran”, ani Manalo.

Lubos ang pasasalamat ng mga beneficiaries sa naturang scholarship grant ni Cong. Marino. (PIO Batangas City)

 

 

the noblest motive is the greatest good for the greatest number