Seal of Good Local Governance

BATANGAS CITY, muling pumasa sa Seal of Good Local Governance
Sa ikalawang magkasunod na taon, muling ginawaran ang Batangas City ng Seal of Good Local Governance for 2017 (SGLG) ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay DILG CALABARZON Regional Director Manny Gotis, ang isang LGU ay kailangang makatupad sa tatlong core elements ng SGLG – ang good financial housekeeping, disaster preparedness at social protection at isa sa iba pang assessment areas upang maging isang SGLG recipient.
Ang pagbibigay ng karangalan sa mga LGU’s ay sinimulan noong taong 2010 sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Jesse Robredo.
“Si Mayor Dimacuha ay mahusay at magaling na City Mayor sapagkat naipasa niya ang mataas na antas at hamon ng good governance”, ani Gotis.
Nabigyang prayoridad ng lokal na pamahalaan ang mga Persons With Disabilities (PWD’s), gayundin ang welfare ng mga empleyado. Transparent at effective din aniya ang naging pamamalakad sa pananalapi ng syudad.
Noong buwan ng Agosto bumisita sa lungsod at nagsagawa ng validation ang National Quality Committee na binuo ng Bureau of Local Government Supervision (BLGS).
Magkakamit ng P 2-3million worth of projects ang lungsod mula sa performance challenge fund ng DILG. Ang awarding ay isasagawa sa ika-24 ng Nobyembre sa Manila Hotel.
Sa taong ito, ang Batangas City lamang ang tanging lungsod sa lalawigan na nakapasa sa naturang prestihiyosong kompetisyon. (PIO Batangas City)

the noblest motive is the greatest good for the greatest number