Competition Winners

 

Math Competition Winners
Math Competition Winners

Binigyang pagkilala ni Mayor Beverley Rose Dimacuha sina Ethan Lestat L. Tiongson at Lara Athena F. Recuenco, mga mag aaral ng Saint Bridget College na nagwagi ng bronze at merit award sa katatapos na International Mathematics Competition na isinagawa sa bansang Singapore at Thailand kamakailan. (Alvin M. Remo/ Jerson Sanchez, PIO Batangas City)

 

 

batangas kids win
kid pasiklab

Kumintang at Gulod Elementary Nagwagi ng Unang Pwesto Sa KID Pasiklab

May 2000 scouts, teachers at guro mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Batangas ang lumahok sa 2016 Council KID Pasiklab and KABsayahan na isinagawa noong August 20 sa Batangas City Coliseum.

Napiling biggest delegation ang Sta. Rita Elementary School. Nagwagi ng unang pwesto sa KID Pasiklab ang Kumintang Elementary School sa ilalim ng District 6 at ang Gulod Elementary School sa KAB Palabas

May walong distrito mula sa Batangas City ang lumahok sa mga nasabing kompetisyon. Pinangunahan ni Scout Executive Ramil S. Borbon ang mga aktibidades ng nasabing pagdiriwang. Ang mga nagwagi ay kakatawan sa Batangas City sa regional search nito sa September 10 sa Sta. Rosa City, Laguna.

 

Ang tema ngayong taon ay “Scouting: Mabuting Asal at Tamang Pagsasanay Tungo sa Pag unlad at Pagbabago”. (Alvin M. Remo, PIO Batangas City)

 

IPED, inilunsad ng DepEd para sa mga Badjao

August 15, 2016LUNGSOD NG BATANGAS, Agosto 15 (PIA) –Inilunsad ng Department of Education sa lungsod na ito ang Indigenous People Education Program (IPED) noong Agosto 11, 2016 sa Teachers conference center.Ang naturang programa ay bahagi ng pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Day na may temang “Making Education Accessible to School-Aged Indigenous People” at layong maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng tamang edukasyon.Sinabi Dr. Rhina Silva, officer-in-charge assitant schools division Superintendent, na ang programa ay magbibigay ng pantay na oportunidad sa mga kabataang Badjao na magkaroon ng edukasyon at maranasan ang pantay na karapatan ng ibang kabataang Filipino.Ang IPED ay alinsunod sa UN declaration on the Rights of Indigenous People (IP) 2007, Indigenous Act (IPRA) of 1997 at 1997 Philippine Constitution-Right of IP to Education.May 301 kabataang Badjao ang nag-aaral mula kinder hanggang grade 6 sa pampublikong elementarya ng Malitam at wawa sa taong 2016-2017. Nasa 300 pamilyang Badjao ang kasalukuyang naninirahan sa lungsod at ilan sa mga ito ay may 30 taon ng residente dito.Pangunahing problema na kinakailangang matugunan sa mga Badjao ang illiteracy at kawalan ng kalinisan sa kanilang sistema ng pamumuhay.Naging tagapagsalita si Arlene Alex, isang lisensyadong guro sa University of Batangas na nabago ang buhay sa pamamagitan ng tulong ng isang pastor bukod pa sa determinasyon na ibahin ang kanyang kapalaran upang makaahon sa kahirapan.

 

Two-storey, four classroom building, pinasinayaan sa Lipa

August 15, 2016LUNGSOD NG LIPA, Agosto 15 (PIA) –Pormal na pinasinayaan ang isang two-storey four classroom building sa Brion-Silva Elementary School sa barangay Munting Pulo sa lungsod na ito noong Agosto 5.Pinangunahan ni Fr. Hermogenes Rodelas ang pagbabasbas sa gusali kasama sina 6th District Rep. Vilma Santos Recto, Sen. Ralph Recto, Gng. Ludy Pasagui mula sa DepEd Lipa at mga opisyal ng bayan.Kasunod nito ang ribbon cutting at inspeksyon ng gusali upang tiyakin na matibay at nasa tamang standards ang pagkakagawa nito upang maiwasan ang disgrasya sa mga mag-aaral.Sinabi ni Gng. Eva Leyesa, principal ng naturang paaralan nagpapasalamat sila sa karagdagang gusaling na malaki ang maitutulong sa mga mag-aaral nila. Nagpasalamat din ito sa mga naging katuwang sa pagsasakatuparan ng proyektong ito.Samantala, iginawad ni 4th District Engineer Rody Angulo ang katibayan at pagkakaloob ng susi sa pamunuan ng paaralan.Sinabi naman ni Cong. Vilma Santos Recto na ang pondong ginamit sa pagpapagawa ng gusali ay mula sa pondo ni Sen. Ralph Recto. Pinuna din niya ang pagkakagawa ng fire exit na may butas at ipinaalala sa DPWH na ayusin upang maiwasan ang anumang sakuna na agad naming sinang ayunan ni DE AngAyon kay Sen. Ralph Recto, bilang boses sa Senado ng mga Batangueno tungkulin niya ang pakinggan ang mga karamdaman at hinaing ng bawat sektor upang mapagaan ang buhay ng bawat isang Lipeno. Inaasahan din niyang magkakaroon ng konsultasyon sa Brgy. Munting Pulo upang malaman ang mga kakulangan at pangangailangan ng barangay at mapabilang ito sa budget. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS with reports from DPWH District IV)

the noblest motive is the greatest good for the greatest number