Papel ng katandaan kinilala
Palakat, BATANGAS CITY –Sa tema ng National Senior Citizens Day na “Pagkilala sa Kakayahan, Ambag at Paglahok ng Nakatatanda sa Lipunan ”, may 3,000 seniorcitizens ang lumahok sa pagdiriwang na ito sa Sports Coliseum noong October 6.
Pinapahalagahan ng pamahalaang lungsod ang mga katandaan sa pamamagitan ngmga programa nito kagaya ng mga allowances, livelihood training and assistance, Libreng sine, libreng grocery para sa mga edad 90 taon pataas at mga social activities bukod pa ang monitoring ng pagpapatupad ng mga pribilehiyong 20% discount sa transportation, medicine, food chain, pagpapagamot at iba pa.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Beverley Dimacuha na dapat pahalagahan ang boses ng katandaan sa pamilyang Batangueño bilang respeto at pagkilala sa kanilang papel sa lipunan.
Binati rin ang mga katandaan ng presidente ng Federation of Senior Citizens na si dating Mayor Vilma Dimacuha.
Ayon naman kay City Social Welfare and Development Officer Mila Española, ang “sikreto daw ng mahabang buhay ng mga katandaan ay ang hindi masyadong iniintindi ang problema, pagkain ng gulay at ehersisyo. Dapat aniya silang mahalin at pahalagahan.
Binigyang parangal ang anim na centenaries o yuong edad 100 taon ngayong 2017, at walong centinarians o may edad higit sa 100 taon o ipinanganak sa pagitan ng taong 1913-1916. Ang mga centenaries ay binigyan ng plaque of recognition at tatanggap ng P10,000 mula sa city government at P100,000 mula sa Department of Social Welfare and Development(DSWD) Sila ay sina Anaceta Aclan – Tabangao Dao, Gaudencio Perez – Mahacot Silangan, Rosela Cortez – Sta. Rita Aplaya, Gavina Beredo- Alangilan, Leon Aninao – Sta. Rita Karsada at Lorenza De Guzman –Cuta. Ang mga centenarians na tatanggap ng P5,000 ay sina Francisca Perez -San Pedro, Cornelia Cabual – Pallocan West, Teodorica Manalo – Sta. Rita Karsada, Remegia Culla – Banaba East, Narciso Villamor – Banaba East, Conchita del Mundo – Barangay Pob. 4, Margarita Cantos – Talumpok West, at Cayetana Pajutrao – Sta. Rita Karsada. Ang pinakamatanda sa mga centinarians ay si Francisca Perez na edad 104.
Nagkaroon din ng solo singing contest kung saan naging kampeon si Aida Vasquez mula sa Barangay Calicanto.
Tinanghal na Miss Senior Citizen 2017 si lola Sally De Chavez ng Barangay Tulo habang si Beatriz Untalan ng Mahacot East ang Best in Production Number at si Ellen Ebora ng Barangay Poblacion 4 ang Best in Long Gown.