Kampeon ng Sublian Festival

(Palakat) BATANGAS CITY- Nagkampeon ang Batangas State University Diwayanis Dance Theater sa Sublian Festival, High School/Senior College Division habang nanalo din ng first place ang Batangas State University Diwayanis Alumni sa Community Division.

Pinatunayan naman ng Alangilan Elementary School na sa record nito ng pagiging kampeon sa mga nagdaang kumpetisyon, top pa rin sila sa performance kaya muli nilang nasungkit ang first place sa Elementary Division.


Ang iba pang mga naging winners ay ang mga sumusunod: Elementary-St. Bridget College, 2nd; Batangas City East Elementary School, 3rd High School/Senior College Division-Sta. Teresa College Siglayaw, 2nd; Sta. Teresa College Indayog, 3rd Community Level- Sinala Community Dance Troupe, 2nd; at Alangilan Central School Community Dancers, 3rd.
Naging batayan ng mga hurado ang pagiging authentic o traditional ng tugtog at sayaw ng subli mula sa original version ng Talumpok, Sinala Bauan at Agoncillo, may walong minuto na sasayawin kasama na ang entrance at may 4-8 pares na mananayaw.
Ipinakita naman ng mga mananayaw mula sa mga barangay ng Talumpok, Agoncilio at Bauan ang orihinal na version ng sayaw.
Ayon kay Chinggay Bernardo, Department Manager, Cultural Exchange Department ng Cultural Center of the Philippines at chairman of the board ng nasabing patimpalak, lubos ang kanyang paghanga sa lungsod sa patuloy na pagbubuhay ng subli upang ito ay maipasa sa susunod na henerasyon. Aniya, ang tagumpay ng Sublian Festival ay patuloy na kinikilala ng National Commission for Culture and the Arts at iba pang cultural organizations. (PIO Batangas City)

the noblest motive is the greatest good for the greatest number