Art and Entertainment

 My Art Roadshow

Inilunsad noong October 25 ang My City, My SM, My Art Roadshow, A Celebration of Philippine Visual Arts, sa SM City Batangas na ginanap sa Atrium nito.

Ayon kay Senior Vice President for Marketing Communications Group na si Millie Dizon, layunin ng nabanggit na paglulunsad na mai-showcase ang ibat-ibang art works na likha ng mga Filipino masters, modernists at millenials sa larangan ng painting,

 sculpture, printmaking, photography at film making.

Isa sa mga ipagmamalaki dito ang likhang sining ng renowned pioneering glass sculptor sa bansa na si Ramon Orlina na tubong Taal, Batangas. Ilan sa mga karangalang nakamit niya ay ang ASEAN Awards for Visual Arts noong 1994, Mr F prize sa 1999 Toyamura International Sculpture Biennale sa Japan, at 1st prize sa sculpture category ng II International Biennale of Basketball in the Fine Arts sa Madrid, Spain

Itinampok din dito ang mga local artists ng Batangas na sina Mischa mula sa bayan ng Sta Teresita, Joseph Villamar ng Calaca, Lino at Emman Acasio ng Lemery, Jorge Banawa ng Taal, Zorrick Enriquez at Anthony Palomo Batangas City.

Kabilang din ang sining na likha ng isa sa mga outstanding artists sa bansa na si Romulo Olazo. Siya ang naging kinatawan ng bansa sa 12th Biennial sa Sao Paolo noong 1973 at sa 11th International Biennial of Prints sa Tokyo noong 1979 kung saan siya nagkamit ng honorable mention.

Binigyang diin ni SM City Batangas Mall Manager Lyn Gabriel, ang My City, My SM, My Art ay isang pagpapatunay ng husay at galing ng mga Batangueno.

 

.

Nanalo bilang Little Mr and Ms United Nations 2016 sina Ciara Marasigan at Jheel Eizhen Recaplaza ng barangay Conde Labac DCC na kumatawan sa bansang Chile.

Nagkaroon din ng Sportsfest sa volleyball na pinanalunan ng Pinamucan Proper DCC at ng Cuta DCC sa basketball.

Ipinaabot ni Planning Officer IV Gigi Godoy ng City Planning and Development Office ang mensahe ni Mayor Beverley Rose A. Dimacuha kung saan binigyang diin nito ang kahalagahan ng pakikisalamuha at pakikipag kapwa ng mga bata sa kabila ng modernong teknolohiya kung saan nasa mga gadgets ang atensyon nila.

Ibinahagi naman ni City Social Welfare and Development Officer Mila Espanola na sumasailalim sa pagsasanay ang mga daycare workers upang patuloy na maitaas ang antas ng kalidad ng edukasyon o ang early childhood care development program sa lungsod.

Tanauan’s 10th Cooperative Month Celebration.

Malugod na tinanggap ni Governor Dodo I. Mandanas ang Plaque ng Pagkilala sa pagdiriwang ika- 10 buwanang selebrasyon ng Kooperatiba sa Lungsod ng Tanauan, na may temang “The catalyst of change through poverty eradication and social transformation ,na iginawad ni Provincial Administrator Atty.Herminigildo Trinidad Jr, Mrs.May Fedelino Department ng City Cooperatives and Livelihood Development Office at Councilor Angel Atienza ng nasabing bayan.

Millicent C Ramos –Batangas PIO Capitol / Photo by: Nomer Lalap

 pio_1142

Pamumuhay sa Batangas City pinag-aaralan ng mg presidential candidatets ng state colleges at universities

May sampung mga kandidato sa pagka president    ng mga state colleges at universities mula sa iba’t ibang   rehiyon sa bansa ang narito ngayon sa Batangas City

image-notice-msg-inv

 

May sampung mga kandidato sa pagka presidente ng mga state colleges at universities mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang narito ngayon sa Batangas City upang pag-aralan ang pamumuhay sa lungsod at ang pamamahala ng mga kolehiyo at unibersidad dito bilang bahagi ng kanilang post graduate studies sa Development Academy of the Philippines (DAP).

Sila ay titigil dito ng 10 araw para sa pag-aaral na ito habang enrolled din sila sa Batangas State University bilang isang requirement upang maging kwalipikado sila sa pagiging presidente ng isang state university o college. Sila ay pansamantalang titira sa ilang pamilya sa brgy. Pallocan West at brgy. Cuta. Pag-aaralan rin ng mga bisita ang pamamahala ng mga kolehiyo at unibersidad sa lungsod ng Batangas.

Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod ang kaligtasan at katiwasayan ng mga bisita habang sila ay narito. May koordinasyon ito sa pangulo ng barangay, sa kapulisan at sa Defense Security Services (DSS). Katulong din ang Commission on Higher Education (CHED) at ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Bago simulan ng mga delegado ang kanilang pag-aaral sa lungsod ay nagkaroon muna ng orientation/briefing kasama ang kanilang host families.

Nagpasalamat naman ang mga kinatawan ng DAP kina Mayor Beverley Dimacuha at Cong . Marvey Mariño sa mainit na pagtanggap sa kanila at suporta sa proyektong ito.

Nagbigay ng background si Cong. Mariño tungkol sa lungsod, at sa pagtutulungan ng mga kolehiyo at unibersidad at ng pamahalaang lungsod upang makapagkaloob ng de kalidad na edukasyon at pagsasanay na magpapataas ng employment ng lungsod. (marie v. lualhati)

15110874_1847727822130486_3621700390990433726_o

Sampung mga kandidato sa pagka president    ng mga state colleges at universities mula sa iba’t ibang   rehiyon sa bansa ang narito ngayon sa Batangas City

image-painter-painted

 

 

 


image-painting-mother-n-childIpinaabot ni Mayor Beverley Rose A. Dimacuha sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Atty. Reginald Dimacuha ang kanyang pagbati at pagpapasalamat sa pamunuan ng SM sa naturang proyekto na malaki aniya ang maitutulong upang maipromote ang turismo sa lungsod.

Ginawaran ng token of appreciation ang mga naging katuwang ng SM Supermalls sa pagtataguyod ng nasabing proyekto tulad ng Metropolitan Museum of Manila, Shell Philippines at Philippine Star.

Nakiisa din sa nabanggit na okasyon sina Taal Mayor Bong Mercado, Board Member Claudette Ambida, My City, My SM, My Cuisine honoree Atty. Antonio Pastor, Batangas City Tourism Officer Eduardo Borbon, LEIPC Officer Erick Sanohan at ang mga artists ng Kunst gallery. 

 

 

 

the noblest motive is the greatest good for the greatest number