Ipinamahagi sa Batangas
Palakat-Batangas city-May 2,500 hybrid native chicken ang ipinamahagi ng libre ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) sa may 500 katao na gustong kumita o makinabang sa pag-aalaga ng manok ngayong Huwebes, May 31.
Ito ay bahagi ng animal dispersal program ng OCVAS na naglalayong mapadami ang produksyon hindi lamang para sa food security kundi upang maiangat ang kabuhayan sa mga rural areas.
Dumalo dito si Mayor Beverley Dimacuha kung saan sinabi niya na patuloy niyang bibigyan ng prayoridad ang kaunlaran ng agrikultura sa lungsod.
Ayon kay Dr. Flora Abe ng Livestock Division ng OCVAS, madaling dumami ang hybrid native chicken kahit hindi nalilimliman at mataas ang kalidad ng lahi. Mabigat din ang timbang ng mga ito. Kung ang mga ito ay palilimliman sa ibang lahi, mas malaki ang mga itlog nito.
Tumanggap ng tig-lilimang manok at vitamins para sa mga ito ang bawat isang beneficiary