Ipinagdiwang
BATANGAS CITY-Ang laging pagdarasal at pagrorosaryo na siyang mensahe ng Birheng Maria ang muling binigyang diin sa ginanap na Marian Congress on the Centennial of the Apparition of Fatima ngayong Sabado sa Sports Coliseum kung saan dumagsa ang mga Marian organizations, devotees at delegasyon ng Archdiocese of Lipa.
Inalala rito ang unang apparition ng Mahal na Birhen sa tatlong bata na sina Lucia, Jacinta at Fracisco sa Fatima, Portugal noong May 13, 1917 kung saan nagbabala ito ukol sa Komunismo at humingi na dasalin ang Rosaryo at tanggapin ang Eukaristiya.
Sa kanyang welcome remarks, sinabi ni Mayor Beverley Dimacuha na noong nanungkulan ang kanyang ama bilang mayor ay minarapat nitong magkaroon ng imahe ng Our Lady of Fatima sa City Hall, na sa kanyang paniniwala ay patuloy na nagdudulot ng biyaya, tulong at gabay sa lungsod.
Nagkaroon ng pagrorosaryo ng joyful, luminous at glorious mysteries at muling pagkukwento ng kasaysayan ng Fatima na ginampanan ni Fr. Domie Guzman, SSOP habang nagbahagi ng kanilang reflections ang tatlong devotees.
Sa isinagawang Concelebrated Mass, sinabi ng mass celebrant na si Most Rev. Gilbert Garcera, D.D.,Archbishop of Lipa na dapat pag-aralan kung sino ang Mahal na Birhen sa Banal na Kasulatan, ang kahalagahan ng pagdarasal at pagrorosaryo at ang evangelization o ang pagtuturo ng aral ng Diyos.
Naging bahagi naman si Gov. Hermilando Mandanas sa Consecration ng Archdiocese of Lipa at ng buong probinsiya ng Batangas sa Immaculate Heart of Mary.
Nagkaroon din ng Exposition of the Blessed Sacrament Chaplet of Diivine Mercy / 3:00 Prayer at ang pananalita ni Msgr. Sabino Vengco tungkol sa Living the Message of Fatima.
Bago ito, nagkaroon ng procession ng Our Lady of Fatima mula Sports Coliseum papuntang Convention Center kung saan ginanap ang opening at blessing ng tatlong araw na Marian Exhibit sa pangunguna ni Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha. Kabilang sa mga naggagandahang imahe ng Mahal na Birhen ay ang hindi pangkaraniwang imahe tungkol sa kanyang buhay kagaya ng Bambina Maria o sanggol na Maria, Nina Maria, ang mga larawan niya bilang buntis at nagpapasuso sa kanyang sanggol na si Hesus at bilang Chinese Mama Mary. (PIO BATANGAS CITY)
Marian Exhibit
The Our Lady of the Miraculous Medal owned by the family of Archbishop Emeritus of Manila Cardinal Gaudencio Rosales , Our Lady of Sorrows and Our Lady of the Rosary of Atty. RD Dimacuha are some of the images of the Virgin Mary to be exhibited in the ARAW ARAW KAY MARIA, A Marian Exhibit from October 28-30, 2017, at the Batangas City Convention Center. This is presented by the Basilica of the Immaculate Conception Parish in cooperation with the city government. The exhibit will depict the life of Mary in images, Marian apparitions and the strong devotion of the Batagueños to the Virgin Mary.