Wednesday, 24 July 2019 – 3:16:35 PM
Tinanghal na kampeon sa ikaapat ng pagkakataon ang Kazaokatu sa Pakitang Gilas sa Makabagong Sayaw, senior division, sa Batangas City Convention Center, July 21, 2019.
Ang Kazaokatu ay may 12 miyembro at ang choreographer ay si Jolo Perez. Ang grupo na mula sa Barangay 13 ang napili ng mga hurado dahilan sa magandang concept nito na tugma sa temang Batangas City: Kariktan @ 50. Sa pamamagitan ng genre na Urban Hip-hop, naipakita nila ang kanilang concept na inspired ng popular Walt Disney character na si Aladdin na ang kahilingan para sa Batangas City ay ang solusyon sa problema sa trapiko, pananatili ng kallnisan at kaluntian at magkaroon ng interes ang maraming kabataan na matuto ng subli bilang bahagi ng cultural heritage ng lungsod.
Ayon kay Gerard Mercado, resident judge ng kompetisyon, nakaka hanga ang mga choreographers dito sa lungsod dahilan sa kanilang angking galing sa pagbuo ng konsepto sa isang sayaw. Hinikayat niya ang mga kalahok na ipagpatuloy ang kanilang pagsasayaw.
Nagwagi naman ng second place ang Muvapow ng Bauan Batangas at third place ang Enodilos ng Sta. Rita Aplaya.
Kampeon naman sa Junior division ang SBC High Maneuvers ng Saint Bridget College, 2nd place ang Ibayo Dancers ng Batangas Provincial HS for Culture and the Arts at 3rd place ang Power Kids ng Alangilan.
Kasama ni Mercado bilang hurado sina Mr. Arthur Endaya at prima ballerina Denise Parungao.
Safe Motherhood Celebration
Batangas City: Isinagawa ng City Health Office(CHO) ang Safe Motherhood Celebration na may temang Respeto: Alay Ko Para Sa’Yo
upang ipakita ang mga serbisyo at pangangalaga na kanilang ipinagkakaloob sa mga nagbubuntis ng mga ina upang maging ligtas ang kanilang pagdadalanto hanggang sa kanilang panganganak.