Best Float ang Marian Learning Center and Science High School
(Palakat) Ang taunang Best Float competition ay naging showcase muli ng pagalingan sa artistic creativity gamit ang mga indigenous materials at mga naggagandahang bulaklak upang maipakita kung ano ang essence ng Batangas City sa paningin ng mga lumahok.
Tinanghal na Best Float ang entry ng Marian Learning Center and Science High School pangalawa ang float ng Malampaya at pangatlo ang First Gen.
Nagsilbing mga hurado sa Sublian Float Parade sina Museum Foundation of the Phils. President Albero Avellana, Ecclesiastical Art Restorer Dr Raffy Lopez, Head of Business and Commerce Department, Department of the Mexican Embassy Arturo Villaruel, fashion designer na si Jojie Loren at ang chairman of the Board of Judges, ang art patron na si Don Ado Escudero.
Sakay ng E-vehicle sina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino na siya mismong nagmamaneho ng sasakyan.
Tampok din ang karosa ni Ms Batangas City Foundation Day 2017 Bb. Sam Kyrin A. Suarez at ang kanyang konsorte na si Miguel Babasa.
Nanguna naman sa pagsasayaw sa kalsada ang mga kawani ng pamahalaang lungsod na nanalo sa Streetdancing Competition, government office category at ang mga nagwagi sa school category at open category.
Nauna rito ay ipinakilala sa publiko bilang Ms Batangas City Foundation Day 2017 si Suarez pagkatapos ng Pagpupugay sa Watawat at Pag-aalay ng Bulaklak sa Plaza Mabini.
Sinundan ito ng Panalanging Pampagkakaisa at Pangkapayapaan at Misa Pasasalamat sa Batangas City Convention Center