LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Malugod na tinanggap ng pamahalaang lungsod, sa
pangunguna ni Acting City Mayor Benedicto C. Corona bilang kinatawan ni Mayor Jhoanna
Corona-Villamor, Acting Vice Mayor Eric Manglo, ilang miyembro ng Sangguniang
Panlungsod at ibang department heads, ang plake ng prestihiyosong Philippine Quality
Award o PQA, na iginawad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isinagawang 2015-2017
PQA Conferment Ceremony sa Palasyo ng Malacañang noong Oktubre 24, 2018.
Ang PQA ay ang pinakamataas na antas ng pagkilala na ibinibigay ng pamahalaan para sa
mga natatanging pribado o pampumblikong tanggapan na nakapagpamalas ng kahusayan
sa larangan ng “Total Quality Management.”
Taong 1997 nang maitatag ang PQA sa pamamagitan ng Executive Order No. 448 ni Dating
Pangulo Fidel V. Ramos. Ang pagkakaloob ng karangalang ito ay pinangangasiwaan ng
Department of Trade and Industry (DTI) kung saan ang pagbibigay ng halaga sa kalidad ng
serbisyo o pagganap sa katungkulan ng mga organisasyon ay naisabatas sa pamamagitan ng
Republic Act No. 9013 o mas kilala bilang “Philippine Quality Award Act of 2001”. Ang
Tanauan City ang ikatlong local government unit (LGU) pa lamang na nakasungkit ng
karangalang ito at ang natatanging LGU na napabilang sa “18 th to 20 th Cycles PQA recipients”.
Ang mga lokal na pamahalaan na nauna nang nagawaran ng nasabing parangal ay ang mga
lungsod ng Marikina (1998 at 1999) at Makati (2000).
Kabilang pa sa mga dumalo sa “conferment ceremony” sina Liga ng mga Barangay (LnB)
President Kristina Gayanilo-Fajardo, City Planning Development Officer Ms. Aissa Malabuyo-
Leyesa, City Treasurer Fernando Manzanero at City Veterinarian Dr. Aries Garcia.(CIO
Tanauan/LACV) #